Halika na. Balik na tayo sa bus baka pa ako maiwanan.
Pero teka lang. Puwede namang magpa-iwan, diba. Hayaan muna kaya nating umalis ang bus at iwanan tayo dito kung saan ako narito at nakipagkwentuhan sayo. Ganito lang naman talaga ang mundo, may mga napag-iiwanan na ng panahon at mayroon namang nang-iiwan dahil unang-una may mga nagpapaiwan. Tulad halimbawa ng mga ayaw na talaga nilang umalis sa kanilang kinagisnang kaisipan, kultura’t tradisyon. Ayaw na nilang sumabay sa daloy ng panahon nais na nilang magpaiwan.
At mayroon din namang madali lang iwanan ang kanilang pinaniniwalaan at pinanindigan. Sila ang mga taong sumasabay sa daloy ng panahon at sila ang nagpapadaloy sa pabago-bagong kaisipan. Ngunit mayroon nga bang bago sa mundong ibabaw? Ang naroon ay dati nang nandoon at ang nariyan ay dati nang nandiyan. Umiikot lang naman talaga ang agos ng tinatawag na pagbabago sa mundo.
Ikaw nais mo bang magpa-iwan o gusto mong sumabay sa pabagu-bagong kaisipan? Sumisikat ang araw sa silangan at lulubog ito sa kanluran. Madilim ang gabi at maliwanag pa rin ang araw. Ngunit nag-iiba ang pagpapaliwanag ng parehong karanasan. Ang isa sinasabing ang araw ang gumagalaw, at ito’y tumatakbo mula sa silangan patungo sa kanluran. At ang isang kapaliwanagan ay ang mundo ang umiikot at ito rin ay umiikot sa araw sa loob ng isang taon. Parehong karanasan ngunit magkaibang kapaliwanagan.
Huwag ka nang magtaka dahil sa dinami dami ng taong nag-iisip kaya dumadami rin ang mga kaisipan at kapaliwanagan sa pare-parehong karanasan. O sige na nga, babalik na ako sa bus kasi isa ako sa mga taong ayaw magpaiwan. Oo, talagang hindi ako nagpapaiwan lalong-lalo na pag kaisipan at ideya ang pinag-uusapan.
Ang akala ko pakikinggan mo ako sa aking kwento, ngunit bakit sinasabayan mo na ako ngayon sa aking paglalakbay? Pero hayaan mo, bubuksan ko ang aking mundo upang makapasok ka. At habang ako’y naglalakbay samahan mo lang ako. Mag-uusap tayo dahil matagal na kasi akong walang kausap na talagang nakikinig sa akin. Maipapangako mo kayang pakikinggan mo ako?
Ako ay umaasa lang naman na kahit papaano ay sasabayan mo ang aking mga kabaliwan.
Hala paalis na ulit ang bus. Sige, dali sasakay na ako.
Ngayon ay nakasakay na ulit ako sa bus. Ipagpatuloy ko na ang aking paglalakbay. Oo madalas akong nakasakay sa mga bagong kaisipan at paniniwala ngunit ako’y isang taong mapagduda. Hindi mo kaagad ako mapapaniwala.
Aandar na ang bus at kausapin mo lang ako, este, pakinggan mo na lang pala ako sa aking mga sasabihin dahil baka makatulog ako sa biyahe. Ayoko pa naman ng natutulog sa biyahe baka may mangyayari pang masama sa akin. Katulad din kasi ito ng pagtulog natin sa mga nangyayaring pagbabago ng kaisipan, magugulat na lang tayo na isang umaga Diyos na pala ang ating katabi sa pagtulog kagabi.
Budhing Pinoy
Konsensiya ng isang liberal...
7.12.2010
7.11.2010
Ch.9 Dumi
Pasensiya ka na, ha. Medyo napahinto ako. Huminto rin kasi ang bus na aking sinasakyan. O ano, bababa muna ako. Kailangan ko munang magpunta sa banyo. Pero kung gusto mo sundan mo ako.
Habang sinusundan mo ako, ipagpatuloy ko ang aking sasabihin sa iyo. Tingnan mo ang tao, obserbahan mong maigi. Bakit ba siya nabubuhay? Ano ba talaga ang kanyang intensiyon?
Nakikita mo yang kubetang luma na yan diyan sa may unahan? Tingnan mong maigi – mabaho iyan, at puno ng dumi dahil hindi nalilinis.
Ganun din ang tao. Madumi at katulad lang siya sa lumalabas sa pwet ng tao. Ngunit ayaw niyang harapin ang katotohanang ang kanyang katawan ay nabubulok. Mabaho ito at madumi. Saan ba nanggaling ang dumi ng tao kundi sa tao rin.
Ang katawan ng tao ay talagang madumi – pati na rin ang kanyang isip. Ngunit gumagawa siya ng paraan upang magmukhang malinis. At kung nais mong makilala ang sarili tingnan mo muna kung gaano ka kadumi.
Pansinin mo ang tao. Gumagawa siya ng mga bagay para sa ikauunlad ng kanyang lipunan – ngunit nag-iiwan naman siya ng dumi. Dinudumihan niya ang tubig, hangin at lupa. Ito ay dahil unang-una sa lahat galing sa dumi ang tao, at marumi siya. Kaya sa halip na magkunwari siyang ayaw niya ng mabaho at marumi, harapin niya ang katotohanang naggaling din sa kanya ang lahat ng baho at dumi na kanyang nakikita at nalalanghap.
Kaya kung nais mo talagang maging makakalikasan mahalin mo ang basura at dumi. Tanggapin mo na sa iyo nanggagaling ang basura’t dumi na lumalason sa kapaligiran.
Tingnan mo kung paano magdesisyon ang tao. Lahat ng kanyang desisyon ay may kinalaman sa kung papaano siya mabubuhay at kung papaano niya matatakpan ang bahong kanyang kinikimkim sa kalooban.
Sandali lang ha, uupo muna ako dito sa maduming inidoro. Kulay kalawang na ito. May mga uod uod pa. Wala pang papel na pamunas sa puwet. Ito na nga ang sinasabi ko. Talagang madumi tayong tao. At kailangan lang nating kilalanin din na babalik at babalik tayong lahat sa dumi.
Lalabas din tayo sa puwet ng mga uod na magsisilbi namang pataba sa lupa at sa mga pananim. At ang mga halamang tutubo ay kinakain ng tao at ng hayop. At ang hayop kinakain ng tao. Paikut-ikot lang ang gulong ng buhay.
O, ‘wag mong amuyin ang dumi ko. Intindihin mo muna ang dumi ng sarili mo. Naku po, kalalabas nga lang ng tae ko, nagugutom na naman ako. Nangangarap na naman ako ngayon ng masarap na pagkain lalo na pag panahon ng pista.

Mga Labels:
Ang paglalakbay ni JP3
| Reaksiyon: |
7.09.2010
Ch.8 Tanong
Sino nga ba ako? Kilala mo ba ako? Pero, parang hindi ko rin yata kilala ang aking sarili. Bakit nga ba ako narito? Nasaan ba ako? Mayroon ba akong sakit at di ko na maaalala ang mga pinaggagawa ko sa buhay?
Ang huling alam ko, nakasakay ako sa bus at may katabi akong isang dalaga. Nag-usap pa nga tayo kanina, e. Naaalala mo pa ba?
Hindi ba’t ang huli kong sinabi sa’yo kanina ay mahirap talagang kilalanin ang sarili? Ah, iyon na yata. Tama. Tama nga ang hinala ko na ang katotohanang mahirap kilalanin ang sarili ay napakatagal nang isyu sa mundo.
Sinasabi ko ito sa’yo dahil tinatanong ko rin kasi kung sino ako at kung saan ako nanggaling. Ang alam ko malaya akong magtanong ng ganito. Ikaw rin, maaari ka ring magtanong. Malaya ka naman diba? Ito pa ang isang usapin ng kalayaan. Pero pag-uusapan natin ito sa susunod na. Ang ating tatalakayin sa ating usapan ngayon ay kung papaano natin makikilala ang sarili.
Paano nga ba? Simulan siguro natin ito sa kung anong meron tayo, at kung nasaan tayo. Huwag muna tayong lumayo sa mas komportable nating pag-usapan – ang buhay na mayroon tayo.
Ikaw at ako ay bahagi ng lipunan. Kaya nga ako nakasakay ngayon sa bus habang ikaw naman binabasa itong kwento at mga angas ko sa buhay. Pero kinakausap kita. Huwag ka nga lang magtaka kung bakit kita kinakausap at kung bakit ka nakikinig sa akin.
Pwede nating simulan sa ating kinalagyan sa lipunan ang usapin tungkol sa pagkilala sa sarili. Itong lipunan na ito ang humubog sa tao. At totoo ring ang lipunan ay likha ng tao. Kita mo, ang nilikha ay nagiging manlilikha. Kung sino ka ngayon ay bunga iyan ng paghubog sa iyo ng iyong lipunan at kasama na dyan ang tradisyon, relihiyon, edukasyon at kultura. Huwag mong sabihin na pwede mong takasan ang impluwensiya sayo ng lipunan. Hindi ka maaaring mabuhay ng hiwalay sa iyong komunidad. Ikaw ay nakadepende sa mga tao sa paligid mo.
Oo, sinasabi kong nakadepende ka sa akin, at ako naman ay nakadepende sa iyo. Ito kasi ang sistemang ating nilikha upang mabuhay dito sa mundo. Kasapi tayo sa ating komunidad at kailangan din nating makilahok sa mga gawain nito.
Ngunit magtatanong ka ngayon kung nasagot na natin kung papaano makikilala ang sarili. Huwag ka namang masyadong magmadali. Nasa biyahe a ako, e. Hinay-hinay lang. Darating din tayo diyan.
Isa sa mga paraan ng pagkilala sa sarili ay ang pagtanggap sa katotohanang kasapi tayo sa lipunan at utang natin ang ating pagkatao sa ating komunidad.
At dahil tayo’y parang itinapon sa ating lipunan ang ating tungkulin ay mag-isip tayo ng paraan upang maging mas maayos ang ating komunidad. Dito tayo nabubuhay at nagkaroon ng malay.
Sandali lang hihinto yata ang bus.

7.08.2010
Ch.7 Pagkilala sa sarili
Nandiyan ka pa ba? Nakasakay na ako sa bus. Nainis nga ako kanina sa konduktor, e. Dahil ang akala niya wala akong pamasahe. Tingin niya kasi sa akin ay probinsiyanong tagabaryo na isang mahirap at walang pambayad.
Akala niya hindi siya probinsiyano. Pero palagi kong nakikita yung taong iyon. Alam mo, ganun ba talaga ang mga taga probinsiya? Lalo na ang mga Bisaya?
Ang mga Bisaya pag nasa Maynila ay hindi na marunong magbinisaya kahit wala pang isang taon sa Maynila. Tapos ayaw nilang tanggapin ang sarili na Bisaya sila. Oo, naranasan ko ang ganito dahil isa rin akong Bisaya.
Alam n’yo ba na si Juan Posong ay bayani ng mga kabisayaan? Kaya ang apo niya ay ipinagmamalaki ang pagiging Bisaya.
Pero wala ka bang itatanong? Ako kasi mayroon. E, bakit nga ba ako nagtatagalog? Siya, hayaan mo na ako sa aking kakulitan. Paano kasi, mas naiintindihan ng maraming Pinoy ang Filipino. Kaya mabuti nang ang pambansang wika ang gagamitin ko sa pagsusulat ng aking kuwento.
Bakit ba natin ikinahihiya ang ating lahi? At bakit ba tayo nagpapasakop sa kulturang tingin natin ay mas laman sa atin? Tingnan mo ang mga Bisaya, talagang sa tingin nila superyor ang kulturang Tagalog. At tingnan mo tayong mga Pinoy, kapag kulturang kanluranin ang tingin natin ay laging mas lamang sa atin.
Tingnan mo tuloy ang nangyayari sa atin, lagi tayong lugi dahil kahit pagdating sa kung papaano tayo mag-isip at mamuhay ginagaya natin ang kultura at kaisipang mula sa kanluran.
Marahil ang hindi natin pagtanggap sa sarili ang isa sa ugat ng ating kalungkutan bilang mga Pilipino.
Nais kong sabayan mo ako sa aking paglalakbay. Hindi mo ba napapansin na bumalik tayo sa nakaraan at kinikwento ko na sa iyo ang mga nangyayari sa akin ngayon?
May katabi ako ngayong isang magandang babae. Tingnan mo ang kanyang mukha. Maganda naman siya, diba? Paano mo nga pala makikita, e hindi naman ito isang pelikula. Libro nga pala itong binabasa mo.
Sasabihin ko na lang pala sayo ang itsura ng katabi ko ngayon.
Mahaba ang kanyang buhok na medyo kulot ng kaunti. Karaniwan lang ang hugis ng kanyang ilong, at bilog ang kanyang mga mata. Mayroon siyang nunal sa pisngi at mapupula ang kanyang mga labi. Makinis ang mukha ngunit halata mong nanggaling siya sa arawan ng pagpapagal sa bukid dahil magaspang ang kanyang mga kamay.
Hindi ko alam kung saan siya pupunta, pero sa palagay ko, pareho kami ng pupuntahan, dahil nakasakay kami sa iisang bus. At ang bus na ito ay papuntang siyudad ng Tacloban, ang kapital ng Leyte.
Marahil pupunta siya sa siyudad upang mamasukan. Ang dami niyang dalang gamit, o. Mukhang matagal pa ulit siya babalik sa kanila.
Sa totoo lang maraming mga kababayan nating galing sa probinsiya na pumupunta sa siyudad upang mamasukan. Lalo na ang mga kababaihan. Pagkatapos ng hayskul, aalis sa bahay nila at makikipagsapalaran sa Maynila at mamasukang katulong sa bahay o kaya papasok sa mga pagawaan. Tapos ‘pag wala talaga silang mapuntahan, magiging puta na lang silang gagala-gala sa Maynila, doon sa Cubao o kaya sa Quezon Ave. sa Quezon City.
Tingnan mo siya, maganda. At bakas sa kanyang mukha ang lungkot na paglayo niya sa sariling tahanan.
Malungkot talaga kapag napalayo tayo sa sarili. Mahirap na ngang intindihin ang sarili, tatalikuran pa natin. Ito siguro ay isa sa mga kadahilanan din ng kalungkutan ng tao – ang paglayo at hindi pagkilala sa sarili.

7.07.2010
Ch.6 Diyos
Habang naglalakad ako sa maputik na daan mula sa baryo patungong sakayan ng bus iniisip ko ang kung ano ang mangyayari sa buhay ko kapag ako na lang mag-isa at walang mga kaibigan at kamag-anak.
Sinusundan ako ng aking anino at nasa harapan ko naman ang liwanag ng araw habang inaawitan ako ng malamig na simoy ng sariwang hangin. Sinikap kong ipaliwanag sa aking sarili ang aking mga agam-agam at kung ano ba talaga ang aking hinahanap sa pag-alis ko sa aming masayang baryo.
Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na hinahanap ko nga ang ugat ng kalungkutan ng tao? Hindi lang ng kalungkutan ko. Dahil alam kong malungkot naman talagang mabuhay sa mundong hindi mo pinili kundi ikaw ay itinapon lamang ng tadhana dito.
Hindi ko sinasabing itinapon ka ng Diyos sa mundong ito kundi ikaw ay nabuhay at namulat na ito pala ang mundong iyong kinalagyan. Nagising kang hindi mo alam kung saan ka nanggaling at kung saan ka tutungo.
Ang iniisip mong iyong pinanggalingan ay hindi talaga totoo dahil iyon lang ang palagay ng maraming tao sa paligid mo, kasama na riyan ang dikta ng relihiyon at siyensiya.
Gumagawa ng Diyos ang tao upang mayroon siyang masisisi sa mga kamalasan sa buhay sa halip na akuin ang kanyang responsibilidad.
Hanggang makarating ako sa may sakayan ng bus, medyo malayu-layo na rin pala ang aking nilakad. At marami-rami na rin ang aking napag-isipang mga suliranin sa buhay. Pinilit ko kasing ungkatin ang ugat ng kalungkutan ng tao. Kaya malungkot din ang aking mukha, at ang tingin ko rin sa mukha ng mga nakakasalubong ko sa daan ay bakas din ang kalungkutan.
Ano, nandiyan ka pa ba? Mukhang inaantok ka na yata. Alam kong hindi talaga mahilig magbasa ang mga Pinoy. Mas gusto kasi natin ang mga programa sa telebisyon at radyo dahil naaaliw tayo doon, e.
Gumising ka muna diyan, hayaan mo muna akong ipagpatuloy ang aking kuwento.
Pagdating ko sa hintayan ng bus naroon din pala ang kapitbahay kong si Kulas. Nakita na nga siyang mabigat yung dala-dala kong bag, tintanong pa niya kung mabigat ba. Walang hiyang Kulas ito, o.
Naisip ko sa oras na iyon na ito na ang simula ng aking paglalakbay tungo sa isang buhay na mayroong ganap na kaligayahan. Iiwan ko na ang malungkot ngunit masayang baryo, at susuungin ko ang mga hamon sa aking pupuntahang panibagong mundo.
Nandiyan na ang bus. Sasakay muna ako, ha. Diyan ka lang muna. Huwag kang umalis.

7.06.2010
Ch.5 Dalawang mundo
Isipin mo na lang na isa kang mayaman na nakatira sa isang condominium. At sa isang bilding naroon na lahat, sa ibaba may maliit na mall, may gym, may ospital, may bangko, tapos may iskwelahan pa mula elementarya hanggang hayskul. Ang mga magulang mo ay nag-oopisina lang sa isa sa mga yunit ng bilding. Isinilang ka dito at dito ka na lumaki at nagkamalay. Dito ka na rin nagkaroon ng kasintahan dahil marami ka ring mga kababata at kaiskuwela.
Wala kang alam sa mga nagyayari sa paligid mo, pati sa bayan mo dahil ipinagbabawal sa iyo ng mga magulang mo ang telebisyon. Hindi kayo lumalabas bilang pamilya dahil sobrang abala ang iyong mga magulang sa trabaho.
At ikaw ngayon ay katatapos lang ng hayskul, ipagpalagay natin na ikaw ay labing anim na taong gulang na. At nais mong malaman ngayon kung ano nga ba ang nasa labas ng bilding na tinitirhan mo.
Ano ngayon ang gagawin mo?
Magpapaalam ka sa iyong tatay. Ngunit hindi ka papayagan. Pero alam mong papayagan ka ng nanay mo. Kaya sa kanya ka magpapaalam ngayon.
Paglabas mo ng bilding maglalakad ka hanggang sa kabilang kanto. At doon masasaksihan mo na na ang mundo pala ay hindi katulad ng mundo na iyong kinalakhan. Makikita mo na parang impiyerno pala ang daloy ng trapiko sa malaking kalye. At makikita mo rin ang mga nangongotong sa kalye at wala kang ideya kung ano ang kanilang ginagawa.
Makakarating ka ngayon sa may dulong bahagi ng kalyeng iyong nilalakbay. Pagdating mo sa may paliko roon, may mga taong natutulog sa tabing kalsada at may isang malaking iskwater sa kabilang gilid ng daan. Hindi mo alam ngayon kung ano ang iyong nakikita.
Ano kaya sa palagay mo ang itatawag mo sa mga batang naglalako ng sampaguita at doon sa mga batang naglalakad sa kalye na hubo’t hubad? Tapos sa may dulo may mga batang kalalakihan na nag-uumpukan na sumisinghot ng rugby.
Ikaw ngayon ay nasa tunay na mundo. Ano kaya ang iyong mararamdaman? Malaya kaya ang iyong kaisipan at magaan kaya ang iyong kalooban?
Anong mga katotohanan kaya ang iyong maiisip?
Hay naku, ako talaga, o. Eto na naman ako na nagtatanong sa iyo. Pagpasensiyahan mo na ako. Hindi ba’t ako dapat ang magkuwento sa iyo. At hindi kita dapat isasama sa aking kwento.
Mahilig lang talaga akong magbigay ng ilustrasyon sa aking pagsasaysay ng aking kwento.
Kapag nagdesisyon kang umalis sa iyong kinalagyan ang kailangan lang ay dapat handa ka sa mga hamon na iyong susuungin.
Pag-alis ko sa aking baryo, at alam mo namang hindi ako mayaman dahil ako’y lumaki sa hirap, ang mundong nakita ko ay malawak at napakayaman sa panibagong mga karanasan. At ito ang mundong ibabahagi ko sa iyo.

7.05.2010
Ch.4 Malaya
Alam mo may mga gago talaga sa isang lugar kung saan ka nakatira. Marahil ikaw iyon, at marahil isa sa iyong mga kaibigan. Ngunit magpalamig ka muna ng ulo kaibigan, biktima din kasi ako sa ganyan.
Sinasabi ko sa iyo ito upang hindi ka na magugulat. Baka nga hindi rin kita siseryosohin, eh. Sabagay hindi naman ako magagalit kung hindi mo ako siseryosohin.
Pero bakit nga ba napunta tayo sa ganitong usapan? Mukhang paborito ko yata ang ganitong ekspresyon. Hayaan mo na ako.
Ipagpatuloy ko na ang aking kwento. Oo, nilisan ko ang aking baryo sa pag-asang mas magkakaroon ng kabuluhan ang aking buhay. Iniwan ko ang aking alagang aso, pusa, kalabaw, manok at ahas. Alam mo, mahal na mahal ko ang mga iyon. Hindi lang ako sigurado kung mahal din nila ako. Masakit din pala sa kalooban mo ang iwan ang baryo kung saan ka lumaki at nagkamalay.
Naaalala ko nga noon na may sabong doon sa bakuran ni Mang Igno. Habang nagsasabong ang mga manok na alaga ni kapitan at ni Kulas, nagsusuntukan naman sina Berto at Kardo, habang nagtatalik sa may likod ng kulungan ng baboy si Elena at Jose. Ako naman kasama ko si Fatima nagkukwentuhan tungkol sa mga paglalakbay ng aking lolo.
Masaya naman kami doon, lalo na pag kasama ko ang aking mga kababata si Junior, Ricky at Lando. Madalas kaming nagnanakaw ng pinya ni Teban doon sa kabilang sitio. Tapos tuwing Sabado ng hapon nagnanakaw kami ng tubo doon sa kabilang baryo. Pagbalik namin sa bahay naglalaro kami ng basketbol.
Ang kapitan naman naming babaero at sugarol ay napakasiraulo nun. Biruin mo, bubugbugin ba naman niya ang mga haharang-harang sa kanya. Ang lakas pa manghingi ng kotong pag may nagpaputol ng puno ng niyog para gamitin sa paggawa ng bahay.
Alam ko hindi tama ang kanyang ginagawa kaya lang wala naman kaming magawa dahil takot nga. Kaya umalis na lang ako doon. Kumbaga kailangan mo minsang iwanan at iwasan ang mga problema sa lipunan kaysa lutasin mo ito.
E, papaano mo malulutas ang problema sa lipunan kung sa sarili ay matindi din ang iyong problema? Katulad ko, hinahanap ko ang ugat ng kalungkutang bumabalot sa aking pagkatao. Malungkot kaya ako dahil sa mga nagyayari sa paligid ko, o sadya lang ba talaga akong malungkot na ipinagkaloob ng tadhana sa akin.
Gusto ko sanang maniwala sa Diyos na siyang lumikha sa tao ayon sa kanyang wangis. Ngunit sa tingin ko isa lang itong imbensiyon upang maipaliwanag ng tao ang kanyang sarili at bigyang kahulugan ang landas ng kanyang buhay.
Pero sa totoo lang mahirap ding ‘wag maniwala sa proposisyon ng relihiyon dahil papaano nga kapag totoo ang doktrina ng simbahan na may Diyos nga na siyang lumikha? Ang sa akin naman ay simple lang, totoo naman talaga na may Diyos na lumikha sa tao dahil kailangan ng tao ang Diyos na ito upang magkaroon ng direksiyon sa kanyang buhay at sa lipunan.
Ngunit hindi ko matatanggap na nilikha ng Diyos si kapitan na napakasalbahe at korap. E yung pondo sa barangay ay nauubos lang sa sugal at inom, at minsan dun sa kanyang mga babae. Kaya ang pormulasyon ng simbahan na may Diyos ay parang pampamanhid lang talaga sa tunay na ugat ng problema ng tao.
Sa pag-alis ko sa aming baryo doon ko naramdaman ang kalayaang mag-isip at mangarap. Gumaan ang aking loob nang makita ko na mas malawak pala ang mundo kaysa mundong aking kinagisnan.

Subscribe to:
Posts (Atom)